• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huwag magpakampante sa tagumpay sa kampanya laban sa online gaming, paalala ng mambabatas

PINAALALAHANAN ng isang mambabatas na huwag magpakampante sa tagumpay sa kampanya laban sa online gaming.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., dapat pa ring maging mapagbantay at ipagpatuloy ang laban sa sugal dala na rin sa posibleng pagbabalik nito kung magiging kampante ang kampanya kontra dito.
Sa ulat, naging matagumpay ang kampanya laban sa online gambling activity.
Iginiit nito na huwag maging kampante dahil sa posibilidad na makapag-adapt o maikutan ng online gamblers at online gaming operators ang batas ukol dito.
“The pushback against online gambling must be seized as an opportunity to work smart and fast to put in place a new and effective law regulating online gambling,” ani Garbin.
Isa ang House Bill 3075 sa limang panukalang batas na inihain sa kongreso na nagsusulong na iregulate ang online gambling sa bansa.
Nasa 24 panukalang batas naman ang nagsusulong sa pagbabawal ng online gambling.
Isa sa nais tugunan aniya ng inihain nilang HB 3075 at HB 1351 ng AKBAYAN Party-list ay ang maraming panganib na dala ng online gambling.
Sa ilalim ng kanilang panukala, dapat magkaroon ng sistema na nagtataglay ng ‘specific mechanisms, measures, and actions’ na ipatutupad ng iba’t ibang regulatory agencies.
“HB 3075 is 17 pages total, including the three pages of its explanatory note. In the 14 pages of the bill proper, I lay out 28 sections, most of which deal with specific regulatory aspects, from the registration of online gambling operators with the SEC and AMLC, to identification of persons prohibited from playing, know your customer requirements, account verification, multi-factor authentication, blocking access to unlicensed online gambling platforms, prohibited content, player banning and exclusion, responsible gaming programs, and rehab for gambling addiction, among others,” saad nito.
Hindi tulad ng ibang online gambling bills na nagbibigay papel sa PAGCOR bilang lead government, ang Department of Information and Communication Technology (DICT) ang magsisilbing lead implementor ng mandato na magpatupad ng rules and regulations.
Ang DICT ay kinakailangan ding konsultahin ang PAGCOR at iba pang regulatory agencies na may jurisdiction sa
online gambling. (Vina de Guzman)