• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Humanitarian aid mula sa EU, iba’t-ibang bansa, aabot na ng P182-M: UN

Nakaipon na ang United Nations ng P182 million mula sa pagtutulungan ng European Union, Sweden, Australia, United States, Germany at Zealand para umagapay sa typhoon response ng Pilipinas.

 

Ang nasabing humanitarian assistance ay makakatulong sa halos 260,000 Pilipino na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

 

Sinabi ni UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez, sa pamamagitan ng suportang ito mula sa mga resource partners ay nagpapatunay lamang ng international solidarity ng mga bansa para tumulong na muling makatayo ang mga bansa na nangangailangan ng suporta.

 

Nakalikom ang Humanitarian Aid Department of the European Commission (ECHO) ng P74 million, habnag ang Australian Government naman ay nagbigay din ng P33 million sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP), UN Population Fund (UNFPA) at Family Planning Organisation of the Philippines (FPOP).

 

Nag-abot na rin ang Sweden ng P67.6 million sa pamamagitan naman ng Save the Children, National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at Plan international.