• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:14 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ

NAKATAKDA nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong linggong ito.
Ito ay kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa ­hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa naturang kaso mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 66 patungo sa Pasig RTC.
Kumpiyansa ang DOJ na sapat ang kanilang ebidensiya upang mapanagot ang mga respondents sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.
Ayon sa DOJ, ang mga kaso sa ilalim ng Republic Act 9208, o The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, ay non-bailable at may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo.
Una na ring nailipat ang graft case na kinakaharap ni Guo sa Valenzuela RTC.
Bukod sa qualified human trafficking at graft case, si Guo ay nahaharap din sa tax evasion at money laundering sa DOJ. (Daris Jose)