‘House-to-house’ visits vs COVID-19 case ipatutupad
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng magpatupad ang gobyerno ng “house to house” visits kung kinakailangan para madala agad sa isolation facilities ang mga COVID-19 patients.
Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesman Retired Maj. Gen. Restituto Padilla na ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal ay mahigpit na ipapatupad ng gobyerno ang Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR) strategy.
Kabilang din umano dito ang tinatawag na surveillance at pagpapaigting o pag-scan sa mga komunidad kung saan may tumataas na kaso nang sa ganun ay malaman kung sino ang nagdadala ng sakit para kaagad madala sa isolation facilities at magamot.
Ito ay dahil mayroon umanong mga indibidwal na nagtataglay ng virus pero walang sintomas kaya sila ang dapat na madala sa isolation facilities.
Ang deklarasyon ng Malakanyang sa ECQ ay para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)