• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 9:10 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holiday single na Maybe This Time may Tagalog lyrics… SOFRONIO, opisyal na ang pakikipag-collab kay MICHAEL BUBLÉ

OFFICIAL na ang collab nina Sofronio Vasquez at Michael Bublé.
Nagsama ang dalawang para sa isang holiday single, isang cover ng kantang “Maybe This Christmas” ni Michael na ni-release nitong November 28.
“When you’re new, you pray for someone to give you a chance. Michael Bublé didn’t just give me a shot, he gave me his time, his wisdom, and his voice. I’m still in disbelief,” caption ni Sofronio sa kanyang post sa Instagram.
Comment ni Michael: “I can’t wait for them to hear the Tagalog lyrics!”
Nagbigay ng karangalan si Sofronio sa Pilipinas nang manalo siya sa ‘The Voice USA’ noong nakaraang taon. Siya ang kauna-unahang Pinoy na nanalo sa naturang contest sa ilalim ng Team Michael.
Noong nakaraang Hulyo, inawit ni Sofronio ang pambansang awit ng Pilipinas sa State of the Nation Address.
Nauna nang binalita ni Sofronio na gumagawa siya ng isang EP kasama sina Michael, David Foster, at Paul Anka.
***
PAGKATAPOS makatanggap ng pamosong Michelin Bib Gourmand ang negosyong Cochinillo o lechong-biik ng aktor at chef na ngayong si Marvin Agustin, pinangako niya na mas maglalabas pa sila ng mga kakaibang putahe na papasa sa panlasa ng Pinoy.
Matapos makuha ang award, nagtriple umano ang mga kostumer nina Marvin at ang ma-maintain ang service ng kanilang restaurant ang malaking challenge.
“Cochi is inspired by my childhood recipes and my travels. Bib Gourmand is for restaurants that’s serving, not necessarily cheap and affordable, but value for money.
“Siguro tinitingnan nila kung ano ‘yung level ng restaurant na merong Michelin Guide. Kasi this is something very unfamiliar ‘to Filipinos. Maski nga sa akin, honestly, medyo unfamiliar ako du’n sa buong process.”
Nang tanungin kung bakit naisipan ni Marvin na putaheng kotsinilyo, sagot niya:
“Well, I love lechon. Minsan, nagbibiyahe pa ako ng Cebu para lang kumain ng lechon ‘pag ako’y nalulungkot. So, during pandemic, I learned how ‘to bake. ‘Yung kaibigan ko na nagsu-supply ng malaking ovens, binigyan niya ako ng gives.
“I’ve been doing it for like almost two years during pandemic. Dumami nang dumami ang orders. I had ‘to talk ‘to every customer sa lahat ng mga naging problema namin. ‘yung iba, naging mas loyal pa sa amin. ‘Yung iba, mas naging kaibigan namin kasi parang nakita nila like sincerity du’n sa mistake na nangyari sa amin,” kuwento niya.
***
MAY lumabas na ilang details tungkol sa magiging wedding nila Taylor Swift and Travis Kelce.
The couple will reportedly say “I do” at Taylor’s oceanside Rhode Island mansion. Naisip daw nilang magkaroon ng destination wedding in Italy, pero mas gusto nilang sa Rhode Island na lang para makarating lahat ng invited guests.
Security will obviously be a top priority. Handa raw gumastos ng $1.2 million on landscaping and security ang dalawa to prevent prying eyes from helicopters and drones.
The guest list will be star-studded. Dalawa aa bridesmaids ni Taylor ay sina Selena Gomez at Gigi Hadid.
Ang celebrity wedding planner nila ay si Colin Cowie. Siya rin ang wedding planner nila Jennifer Lopez and Ben Affleck’s Georgia noong 2022.
Three-day affair daw ang wedding nila Taylor at Travis.
Ang gagawa ng wedding dress ni Taylor ay si Pamella Roland: “I really think for her ceremony that she’s going to have something a little bit more traditional, maybe sleeves with lace.”

(RUEL J. MENDOZA)