HODGE, MERALCO POKUS SA DEPENSA Takbo ng best-of-7 Finals series:
- Published on April 14, 2022
- by @peoplesbalita
Game 1 noong April 6 sa Smart Araneta Coliseum: Meralco 104, Barangay Ginebra San Miguel 91
Game 2 nu’ng Apr. 8 sa SM Mall of Asia: Barangay Ginebra San Miguel 99, Meralco 93
Game 3 nitong Linggo sa MOA Arena: Meralco 83, Barangay Ginebra San Miguel 74
Game 4 ngayong Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum)
5:55 n. h. – Awarding Best Player of the Conference, Best Import
6:00 n. g. – Meralco vs Ginebra *Bolts lamang sa series 2-1*
MALA-DEPENSA militar ang ilalatag ng Meralco upang layuan pa ang Barangay Ginebra San Miguel sa Game 3 ng best-of-seven series ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors Cup Finals ngayong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Papasok sa hardcourt ang dalawa na tangan ng Bolts ang 2-1 bentahe sa ganap na alas-6:00 ng gabi makaraan ang alas-5:55 ng hapon na pagpaparangal muna sa Best Player of the Conference at Best Import.
Kandidato ng Gin Kings sina Earl Scottie Thompson at Justin Brownlee sa BPC at BI, ayon sa pagkakasunod. Sina reinforcements Tony Bishop ng Meralco at Michael Harris ng Magnolia, at Robert Bolick ng NorthPort at iba pa ang mga kontender.
Ang mala-pagkit na depensa ng Bolts ang dumiyeta sa Gins sa 13 points sa final quarter upang matangay ang Game 3 noong Linggo, 83-74.
Aangkla uli si coach Norman Black kay Clifford Marion ‘Cliff’ Hodge para sa mga magkukuryente. Siya ang nagpahirap kina Brownlee at Christian Standhardinger sa huling laro.
“It was difficult to score out there, and it was a matter of getting some stops and try to hold as long as we could,” sey ni Black. (REC)