• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi totoong pinabayaan ng Kongreso ang San Juanico Bridge.

ITO ang binigyang paglilinaw ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara sa patutsada ni Senadora Imee Marcos ukol sa pagmementina sa San Juanico Bridge.

“Gusto lang po naming ituwid ang mga maling akala. Hindi totoo na pinabayaan ng Kongreso ang San Juanico Bridge. Simula pa po noong 2018, taon-taon nang may pondo na inilaan para sa rehabilitasyon ng tulay,” ani Abante.

Ilan sa mga ito ay ang

₱27M noong 2018; ₱22M noong 2019;

₱105M noong 2021; ₱90M noong 2022;

₱150M noong 2023; at may proposal na ₱400M para sa 2026.

Nangangahulugan aniya na ginawa na ng Kongreso, lalo na ni Speaker Martin Romualdez, ang trabaho niya kabilang na ang pagtulak ng pondo, nag-follow up, at personal na tumutok sa usapin ng tulay.

Sinabi pa ni Abante na noong Hunyo 5, nakipagpulong pa si Rep. Jude Acidre, sa atas ni Speaker, kay DPWH Secretary Bonoan para bilisan ang assessment at pagkumpuni.

Plano rin niyang itulak ang ikalawang San Juanico Bridge para hindi na maulit ang ganitong problema.

Ipinagtataka at ikinatatawa rin ni Abante kung bakit nagtatanong si Senadora Imee  kung bakit may aberya at puro panisi.

Tanong ni Abante, “ano na po ba ang aktwal ninyong ambag sa San Juanico Bridge? Kahit karatulang may nakalagay na “This Way to San Juanico Bridge” man lang, meron ba?

Kung tunay aniyang nagmamalasakit sa mga taga-Leyte at Samar ay dapat itigil na ang pasaring, trabaho muna bago pulitika.

” Hindi ‘to panahon ng paandar—panahon ‘to ng pagtutulungan'” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)