• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi na-please dahil defensive daw ang post: HEART, kasama na sa mga kinukuwestiyon ng netizens

DAHIL on fire talaga ngayon sa mga tinatawag na “Nepo Kids”, lalo na ang mga nepo babies na buongningning kung mag-flex at mag-flaunt ng kanilang mga lavish lifestyle at mga million worth of bags, clothes at iba pa, nagiging mainit na rin sa mata ng publiko ang ilan sa mga kilalang celebrities, lalo na ang may koneksiyon sa mga pulitiko.
Isa na nga rito si Heart Evangelista na kinukuwestiyon na rin ng mga netizens at ginagawang content ng ilang content creators. Siyempre, being the wife of Senator Chiz Escudero, napag-iinitan na rin ang extravagant lifestyle ni Heart.
Ang tanong nga, bakit daw sa kabila ng lavish lifestyle ni Heart at maging ang aso nito ay pinagsusuot ng Bulgari necklace, pero wala ito sa listahan ng Top Taxpayers ng bansa?
Nagkataon nga lang ba o pwedeng bilang sagot sa mga nagkukuwestiyon sa yaman ni Heart, gumawa ang isang fan niya o ang fandom niya na pinasalamatan din niya sa kanyang post. Inisa-isa ang mga endorsements niya mula pa noong 13 years old up to present.
Ni-repost ito ni Heart at may caption na, “13 going 40 years old! Happy 27 years of hard work it maybe a little incomplete but I am so grateful for everything.
“PS to my heartworld members esp @iamjeny thank you for this little reminder to keep doing what I love!”
Still, mukhang hindi pa rin na-please ni Heart ang lahat at may nagsabing kesyo defensive naman daw ito.
***
HINDI na umabot si Billy Crawford sa panganganak ni Coleen Garcia sa kanilang second baby.
Grabe, kung gaanong hirap nga naman ni Coleen sa panganay nilang anak na nag-water birth siya, kabaligtaran naman ngayon sa second baby nila.
Well-prepared daw si Coleen sa lahat na mukhang plano sanang mag-water birth. At usually, ang katuwang niya rito ay ang kanyang Mister. Pero dumating si Billy, naipanganak na ni Coleen ang bunso nila na si Baby Austin.
Nakaramdam lang daw siya ng urge na to push habang nakatayo, pero yun na, naramdaman na niyang lumalabas na ang baby nila. Good thing nando’n ang mommy niya sa hospital room at ito na raw ang nakasalo sa paglabas ng baby.
Sey ni Coleen sa kanyang Instagram post, “I was still standing there in the same spot, looking down at everything—everyone in the room completely shookt—and all I could say was: “Well, that happened.” I was laughing about it, while my mom was stunned and holding the baby in disbelief.”
Ipinanganak ni Coleen si Baby Austin noong August 17 pa.
(ROSE GARCIA)