• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi magpapalabas ng sertipikasyon ang militar kung gagamitin lamang ito bilang confidential fund

SA PAGTESTIGO ng apat na opisyal ng militar sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi nila na hindi sila sana nagpalabas ng certifications para sa Youth Leadership Summits (YLS) kung batid nila na gagamitin ito ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte, para sa P15 milyong kabayaran mula confidential funds, bilang pambayad umano sa informants.

 

Naging tugon ito nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio sa naging pagtatanong ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores kasabay ng isinasagawang pagdinig ng komite ukol sa maling paggamit ng public funds ng Office of the Vice President at DepEd sa ilalim ng liderato ni Duterte.

 

Nagpalabas ng sertipikasyon ang mga naturang opisyal para sa Youth Leadership Summits (YLS), isang regular anti-insurgency program na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines noong 2023.

 

Ngunit, ginamit umano ng DepEd ang naturang mga sertipikasyon sa ibang programa upang mabigyang hustisya ang ginastos na P15M bilang rewards sa informant.

 

“If someone from another agency asked for a certification for something we were not present for, we would not issue a certificate of appearance or any certification at all,” paliwanag ni Boransing.
(Vina de Guzman)