SA social media account ni Queen of All Media Kris Aquino, masaya niyang ibinahagi ang larawan kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby, na naganap na birthday celebration ng kanyang 54th birthday last February 14.
Caption ni Kris, “i want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in. But above all- i thank you for being with me, kuya josh, and bimb during my journey towards recovery.”
Makikita sa naturang post ang sangkaterbang gifts tulad ng flowers at teddy bears na mula sa mga kaibigan, pamilya at fans na hindi nakalimot bumati sa kaniyang kaarawan at mag-send ng regalo. Ilan sa mga bumisita ay sina Michael Leyva at RB Changco at iba pa.
Samantala, maraming netizens ang humanga kay Kris, na kahit patuloy siyang lumalaban sa sakit ay nakuha pa rin niyang tumulong sa iba. Lubos nga ang pasasalamat ng isang netizen na tulong na ipinaabot ng mommy nina Josh at Bimby para sa pagpapagamot sa kanyang ama.
Kaya panalangin nito, “sana po ay bigyan ka pa ng mahabang buhay ng Poong Maykapal.”
Patuloy nga dating ipagdasal si Kris sa paglaban sa kaniyang autoimmune disease at hopefully gumaling na siya para makabalik na rin sa work.
***
INILABAS na ng award-winning documentarist na si Baby Ruth Villarama ang teaser para sa bago niyang obra, ang “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea”.
Isa ito sa mga napiling entry para sa 2025 Puregold CinePanalo Film Festival na ngayon pa lang ay inaasahan nang hahakot ng awards at siguradong pag-uusapan ng publiko dahil sa napapanahong isyu sa pagitan ng Pilipinas at China.
Direk Baby Ruth Villarama has described “Food Delivery” as a film about unity, sacrifice, and the Filipino spirit and what she hopes 2025 Puregold CinePanalo audiences find in her film is a sense of empathy and connection to the people who are often unseen in protecting our food, and by extension, our sovereignty.
Sabi ni Direk Baby Ruth, “We want the audience to understand that sovereignty is not just a political issue, it’s a deeply personal one for every Filipino.
“From the fishermen risking their lives to feed their families, to the Coast Guard and Navy personnel delivering food to the soldiers on remote outposts, Food Delivery illustrates the shared sacrifice and the collective love we all have to protect our way of life,” sabi pa ni Villarama na nakilala sa documentary “Sunday Beauty Queen” na nanalong Best Picture sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Bukod sa “Food Delivery”, ang iba pang entry sa CinePanalo 2025 full-length category ay ang mga sumusunod: JP Habac’s “Olsen’s Day”, Christian Paolo Lat’s “Journeyman”, Mes de Guzman’s “Sepak Takraw,” Jill Singson Urdaneta’s “Co-Love”, Catsi Catalan’s “Fleeting”, TM Malones’ “Salum”, and Tara Illenberger’s “Tigkiliwi”.
Ang CinePanalo 2025 ay magsisimula sa March 14 hanggang March 25 sa Gateway Cineplex 18.
(ROHN ROMULO)