• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:50 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinahamon si Jed na sumali sa ‘Masked Singer’: BILLY, nakapaglaan ng oras kay AMARI habang wala pang taping

TURNING five years old na pala sa September 10 ang anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari.

At tatlong taon na ang lumipas bago nagkaroon ng Season 3 ang ‘Masked Singer Pilipinas’ ng TV5.

 

Kuwento ni Billy, “You know, it feels wonderful, kasi everything is in God’s time para sa akin.

“Kasi I got to spend time with my son nung hindi pa namin ginagawa yung Masked Singer.”

Pagpapatuloy ni Billy, “Nung dumating yung offer ng Masked Singer sa amin, e dun na parang naging malaking blessing ulit e, because I  got to have fun again.

“For Masked Singer it’s actually…it’s not I’m working e, para akong naglalaro, promise! Tapos nagsama pa kami ng tatay kong si Daddy Janno, e wala, talagang magulo na ‘to.

“So it just feels ano, it feels like a joy and such a pleasure to work and especially with Masked Singer, because we get to just have fun on stage.”

Ito ring Season 3 ang pinakaunang edisyon na may live audience.

“Yes,” bulalas ni Billy. because we did the first 2 seasons pandemic, so lahat… yung audience namin, yung Masked audience namin ay through zoom, so ngayon may live audience kami, so we get to interact with the audience.

“Nabubuhayan yung mga Masked Singers especially, and the judge detectives and including myself.”

Nagsimula na ang Season 3 ng Masked Singer Pilipinas nitong Sabado, May 17, at Linggo, May 18, 7:45 pm, sa TV5 at Sari Sari Channel.

Si Billy ang host ng programa at makakasama niya ng all-star at powerhouse na bagong panel of celebrity judge-detectives na susubukang tukuyin at hulaan ang mga mukha sa likod ng maskara at boses: Nadine Lustre, Janno Gibbs, Arthur Nery, at si Ms. Pops Fernandez.

Ano ang pinaka-challenging na parte na maging host ng Masked Singer Pilipinas?

“Pati na rin ang host…ako, hindi rin ako binibigyan ng kung sinu-sino ang nasa likod ng maskara. So the biggest challenge for me also is kailangan kong kilalanin kung sino ang nasa loob ng maskara because siya at siya yung makakausap ko.

“Kaya that I guess is my biggest challenge lang for me, and also kung paano kong ititigil magsalita si Arthur Nery, kasi ang daldal niya po dito sa Masked Singer season 3,” at tumawa si Billy.

“Kaya iyon yung challenging point dito.”

Kumusta katrabaho si Nadine?

“I’ve worked with Nads so many times and she has not changed once. She’s always professional, iyan yung makikita niyo kay Nadine e, she’s always professional.

“She does her own makeup and you know, she’s always on time and talagang she’s… kung yung tinatanong mo how do you prepare? She’s always prepared, iyon si Nadine.”

Best memory with Nadine?

“Kung kilala niyo si Nads kasi, tahimik na tao si Nads e, she’s not so… yung out there, na outspoken, she’s very tahimik, she’s very smart.

“Paminsan-minsan sobrang mahiyain yun, pag may sasabihin siya yung walang nakakarinig, so kailangan mong, ‘Ano yun, Nads?’

“Tapos ayaw na niyang ulitin, hindi na niya uulitin yun kasi nahihiya na siya, ganun siya e.  So that’s how I know Nadine.

“And when she works, ganun talaga siya, pero there are certain memories din na kengkoy din kasi si Nads e, palaban din yun especially sa hulaan, competitive din yung tao.”

Kumusta katrabaho sina Janno, Pops and Arthur?

“I’ve said it numerous times, it’s a gem working with amazing, talented people on a regular taping day, so parang it’s not even work anymore.

“Kumbaga nag-e-enjoy lang ako kasama nila.”

Kung meron kang gustong pasalihin sa Masked Singer, sino yun?

“Siguro ako sa sobrang dami ng beses na na-mention yung pangalan niya, gusto kong sumali sa Masked Singer si Jed Madela, kasi si Jed ang isa sa pinakakilala kong singers na kayang-kayang mag-iba ng boses niya, sa mataas, sa mababa, so yun yung sa tingin ko mahihirapan kilatisin, si Jed Madela.”

(ROMMEL L. GONZALES)