Hiling ng mambabatas sa DSWD na tulungan ang senior citizen na tatlong beses nasagasaan
- Published on May 26, 2025
- by @peoplesbalita

Ayon kay Senior Citizens Party List Rep. Rodolfo Ordanes, hindi makatao ang nangyari sa biktima na ginulungan na parang humps ang lolang walang-awang nadurog ang katawan.
Naniniwala pa ito na mayroong national public safety emergency at public health epidemic sa kalsada sa ngayon. Noong 2023, mahigit sa 13,000 katao ang nasawi sa akisdente sa kalsada sa buong bansa.
“That to me is an epidemic and emergency. The blame falls on multiple fronts: reckless drivers, poorly designed roads, the flawed system for screening who gets a driver’s license, and the lack of real accountability for those responsible for road crashes. It is not enough that the driver’s license of the motorists involved in road mishaps is suspended or revoked. The motor vehicle must be seized and impounded,” anang mambabatas.
Ang lahat aniya ng amicable settlements ay dapat aprubado ng korte o quasi-judicial bodies para maging balido ito dahil ang naabot na settlements ay maaaring maging disadvantageous sa mga biktima.
Sinabi pa nito na ang mga settlements ay hindi dapat maging hadlang sa pagsusulong ng pulis at LTO sa pagpupursige ng kriminal, civil, at administrative cases laban sa liable parties.
Ang desistance o pagtanggi ng naagrabyadong partido ay hindi dapat maging dahilan para mawala ang criminal, civil, at administrative liabilities dahil nagkaroon ng public crimes and offenses at hindi private offenses.
(Vina de Guzman)