• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hikayat ng mambabatas na huwag tawagin ang nakakulong na televangelist na si Apollo Quiboloy na pastor

HINIKAYAT ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang mga kapwa mambabatas na huwag tawagin ang nakakulong na televangelist na si Apollo Quiboloy na pastor, dahil isa umano itong insulto sa mga tunay na pastor na nagsilbi sa kanilang kongregasyon na may integridad.
Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Justice sa limang dekadang taon na extradition law, sinabi ni Cendaña na ang kanyang “simple and earnest request” sa mga kasamahan ay tawagain si Quiboloy bilang “Mister.”
“Insulto po sa mga totoong pastor na tawaging pastor si Quiboloy. Hindi matatawag na totoong pastor ang sinumang nananakit ng kanyang mga miyembro at nangmomolestiya siya ng mga bata,” ani Cendaña.
Sinimulan na ng Justice Committee ang motu proprio investigation nito kasunod ng liham mula kay Cendaña noong August 23, na humihiling sa pagsasagawa ng legislative review kasunod na rin sa pending cases ni Quiboloy sa Pilipinas at United States.
Sinabi ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na ang inquiry ay naglalayong ma-“evaluate, study and revisit” ang Presidential Decree 1069, o Philippine Extradition Law of 1977, at ang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at US na napagkasunduan noong 1994.
Si Quiboloy, kasalukuyang nakadetine sa Pasig City Jail dahil sa kasong child sex trafficking.
(Vina de Guzman)