Higit sa 200 mambabatas buo ang suporta kay Speaker Romualdez para sa patuloy na pamumuno sa papasok na ika-20 kongreso
- Published on June 28, 2025
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr., na nasa 283 mambabatas ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagpapatuloy ng kanyang liderato.
Gayundin ang pahayag ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na nagsabing “overwhelming” ang suporta kay speaker.
Habang mayorya ang napahayag ng kanilang suporta sa pagpapatuloy ni Speaker Romualdez sa papasok na bagong kongreso, continued leadership, inihayag ng mga ito ang kanilang pagboto sa thep speakership ay personal at voluntary decision.
Ang paglilinaw ng mga kongresista ay ginawa matapos makaharap si Speaker ng mga neophytes at nagbabalik na mambabatas sa isinagawang fellowship dinner.
Nilinaw naman ng mga ito na walang ginawang apela o panawagan si Speaker Romualdez sa kanila na humingi ng suporta sa ginanap na fellowship dinner.
“It was merely getting to know each other kumbaga. So welcoming the incoming members of the 20th Congress, as well as to inspire them. Hindi lang ‘yong mga miyembro na incoming, but also those who were present last night na reelected members ng House,” ani Adiong.
Nagbigay lamang si Romualdez ng guidance sa mga bagong miyembro kung papaano sila mas magiging epektibong lider sa kanilang distrito.
(Vina de Guzman)