• April 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P300K droga, nadiskubre sa singit ng ginang

MAKAKASAMA na ngayon sa loob ng kulungan ng 39-anyos na misis ang kanyang mister makaraang mabisto ang mahigit P.3 milyong halaga ng droga na kanyang tinangkang ipuslit sa loob ng Caloocn City Jail sa Lungsod ng Caloocan.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth ang naarestong suspek na si alyas “Lyn”, fish vendor ng Brgy. 8, ng lungsod

Sa tinanggap na report ni Col. Goforth, dakong alas-5:00 ng hapon nang dumating sa Caloocan City Jail sa kanto ng Talimusak at Tanigue Streets, Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan ang suspek para bisitahin ang kanyang asawang nakakulong.

Gayunman, sa isinagawang strip search sa kanya ng duty officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP), nadiskubre sa kanang singit ng suspek ang nakatagong mga illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 46 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P306,000 at dalawang plastic sachets na naglalaman nasa 35 grams ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P4,200.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)