• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P.4M droga, baril nasabat sa 4 drug suspects sa Caloocan drug bust

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.4 milyong halaga ng droga at isang baril sa apat drug suspects, kabilang ang isang itinuturing na high value individual (HVI) matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Ani District Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Jeraldson Rivera, ikinasa nila ang buy bust operation kontra kay “Bong”, 48, HVI matapos magpositibo sa kanilang isinagawang validation ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng shabu sa kanilang lugar.

 

 

Nang tanggapin ni “Bong” ang buy bust money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama sina alyas “Daniel”, 40 at “Domingo”, 52, sa Blk 7, Villa Enrico Phase 5, Brgy. 171 dakong alas-2:15 ng hapon.

 

 

Ayon kay Major Rivera, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 53 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P360,400, buy bust money at isang caliber 38 na may apat na bala.

 

 

Nauna rito, nadakma naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sina alyas “Jepoy” at “Jerome” sa buy bust operation sa Torsillo St., Barangay 28 dakong ala-1:31 ng madaling araw.

 

 

Sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumualang 17.03 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P115,804.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang DDEU at Caloocan police sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive & Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)