Higit 7K katao nabigyan ng libreng TB screening, services ng DOH
- Published on September 2, 2025
- by @peoplesbalita

Sa pangunguna ng DOH, kasama ang iba’t ibang organisasyon, nagsagawa ng Nationwide Simultaneous Active Case Finding at iba pang serbisyo para sa mahigit 7,000 katao sa 17 na rehiyon. Libre ang: TB screening – chest X-ray; Tuberculin Skin Test (TST); TB confirmatory testing – sputum testing; HIV testing at counselling; at Health education.
Layon ng DOH na mapalawak at mapabilis ang Tuberculosis Preventive Treatment (TPT) coverage na napatunayang epektibong proteksyon laban sa TB. Karaniwang binibigay ang TPT sa: Taong na-expose sa pasyenteng may TB; Persons Living with HIV, at may iba pang may sakit o mahina ang resistensya.
Ayon sa Integrated Tuberculosis Information System (ITIS), umabot sa 192,733 kaso ng Tuberculosis (TB) ang naitala mula Enero hanggang Hunyo 2025.
Nauna nang inihayag ni Sec.Ted Herbosa na layon ng DOH na mapababa ang bilang ng may TB sa bansa hanggang sa maging TB-free ang Pilipinas kaya pinaiigting ng ahensiya ang mga proyekto nito sa iba’t ibang rehiyon kontra TB.