Higit 500 job seekers, hired-on-the-spot sa mega job fairs Caloocan
- Published on March 7, 2025
- by Peoples Balita
MAHIGIT 500 job seekers mula sa Lungsod ng Caloocan ang hired on the spot sa matagumpay na dalawang mega job fairs sa buwan ng Pebrero na isinagawang ng Pamahalaang Lungsod, sa pamamagitan ng pagsisikap ng Public Employment Service Office (PESO).Ang nasabing job fairs, ay bahagi ng pagdiriwang ng 63rd Cityhood Anniversary na nagtampok ng dose-dosenang mga kasosyong kumpanya na nag-aalok ng mga pagkakataon, na may permanenteng posisyon sa domestic at overseas setting sa industriya tulad ng retail, sales, business process outsourcing (BPO), at construction.
Pinuri ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang PESO para sa pare-parehong sagot nito sa direktiba ng kanyang administrasyon na magbigay ng pangmatagalang trabaho at mga oportunidad sa kabuhayan sa kanyang mga nasasakupan at tiniyak sa kanyang mga nasasakupan na mas marami pang job fair ang ipapatupad sa mga susunod na buwan upang magbukas ng mas maraming pagkakataon para sa mga residente ng Caloocan, lalo na para sa mga first-time na naghahanap ng trabaho.
“Mula po noong nagsimula tayo na maging Ama ng Caloocan, lagi na po nating katuwang ang PESO na siguraduhing laging mayroong available opportunities sa ating mga kababayan, mapa-trabaho man o kabuhayan. Kaya naman po muli akong nagpapasalamat sa kanilang pagkilos para sa espesyal na mga job fair na ating isinagawa ngayong Pebrero,” ani Mayor Along.
“Sa bawat job fair na ating isinasagawa, special targets po natin ang mga Batang Kankaloo na first-time job seekers dahil batid po natin ang kahalagahan na magkaroon muna sila ng karanasan sa mga disente at maayos na trabaho upang kanilang maging tungtungan sa mas malalaking oportunidad sa hinaharap,” dagdag niya. (Richard Mesa)