HIGH-VALUE TARGET HULI SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA 7 AT PNP SA CEBU CITY
- Published on July 19, 2025
- by @peoplesbalita
TIMBOG ang isang high-value target sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA 7 Regional Special Enforcement Team (RSET), katuwang ang PNP Drug Enforcement Group/Special Operations Unit 7 at Cebu City Police Office Station 5, dakong alas-2:39 ng hapon noong Hulyo 16, 2025, sa kahabaan ng Noli Me Tangere Street, Barangay Ermita, Cebu City.
Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Dir. III Joel B. Plaza ang suspek sa alyas na Warren, 40 anyos, may asawa, isang cellphone technician, at residente ng nasabing lugar.
Nasamsam sa operasyon ang apat (4) na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 150 gramo, marked money, at isang (1) digital weighing scale.
Ang mga nakumpiskang pakete ng hinihinalang shabu ay isinumite na sa PDEA 7 Regional Office Laboratory upang sumailalim sa chemical analysis at tamang disposisyon.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5 (sale of dangerous drugs) at 11 (possession of dangerous drugs), Article II ng Republic Act 9165.
Ang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ay may kaakibat na pinakamabigat na parusang habangbuhay na pagkakakulong at multang P500,000 hanggang P10 milyon. (PAUL JOHN REYES)