• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:44 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

High-value individual, tiklo sa P360K shabu sa Navotas buy-bust

LAGLAG sa rehas ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang high-value individual (HVI) matapos pagbentahan ng shabu ang isang pulis sa loob ng sementeryo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

          Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas “Dey Dey”, 23, ng Brgy. Tangos South.

          Batay sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Col. Cortes ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng droga ng isa sa mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

          Matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa loob ng Navotas Public Cemetery sa Brgy. San Jose, dakong alas-10:47 ng gabi.

          Nakumpiska sa suspek ang nasa 53 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P364,480.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong P1,000 boodle money.

          Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng SDEU sa laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

          Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng NPD, ang operating team para sa kanilang matagumpay na operation

“The timely and successful apprehension of this high-value suspect reflects our unyielding commitment to eradicate illegal drugs in CAMANAVA. We will continue to intensify our efforts and protect our communities from the menace of drug abuse and trafficking,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)