Hidilyn Diaz kabilang na sasabak sa SEA Games
- Published on September 5, 2025
- by @peoplesbalita

Ayon sa 34-anyos na si Diaz, na sinimulan na niya ang matinding workout bilang paghahanda.
Kasama ito sa Team Philippines line-up ng women’s 58 kg. category.
Aminado ito na kinakabahan na siya dahil sa nararamdaman niya ang pananakit minsan ng kaniyang katawan.
Huling lumahok si Diaz ay noong Abril 2024 sa IWF World Cup sa Phuket kung saan ito ay isang qualifiers para sa Paris Olympics subalit nabigo siya at si Elreen Ando ang nagwagi.
Abala na ito ngayon sa pagsasanay sa kaniyang Hidilyn Diaz Weightlifitng Academy sa Jala-Jala, Rizal.