• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hepe ng pulisya, kulong sa pakikipagsiping sa 2 babaeng preso

KULONG ang sinapit ng isang hepe sa lalawigan ng Cebu dahil sa pakikipagsiping at pagpapatulog nito sa dalawang inmate sa kanyang kuwarto.

 

Inaresto ang hepe ng Argao Municipal Police Station na si Police Chief Insp. Ildefonso ViƱalon Miranda Jr. matapos ireklamo umano ito na nagpapasok ng babaeng preso sa kanyang opisina.

 

Natuklasan sa cellphone ni Miranda ang ilang mga larawan kung saan makikita na katabi niya ang mga babaeng preso habang nakahiga.

 

Nakita rin sa isang larawan na suot ng isang babaeng preso ang uniporme ng hepe.