• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HELPER PINAGSASAKSAK NG TAXI DRIVER

KRITIKAL ang isang 38-anyos na helper matapos pagsasaksin ng taxi driver marakaang maghinala ito na ka-relasyon ng kanyang ka-live-in ang biktima nangĀ  mahuli niya sa loob ng kanilang silid ang dalawa sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Randy Dejac, ng No. 5 Goldendale St. Brgy. Tinajeros.

 

Naaresto naman ng mga nagrespondeng tauhan ng Northern Police District (NPD) Mobile Force Battalion ang suspek na si Hipolito Gelicame, 49 sa kanilang tirahan sa 143 Pangulo Road, Brgy. Panghulo at isinuko pa ang ginamit niyang patalim sa pananaksak sa biktima.

 

Sa report nina police investigators P/SSgt. Diego Ngippol at P/Cpl. Michael Oben kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, pumapasada ang suspek ng minamanehong taksi nang maisipan nitong gumarahe muna dakong ala-1:35 ng madaling araw nang lingid sa kaalaman ng kanyang kinakasama.

 

Nakapasok sa loob ng kanilang bahay si Gelicame nang hindi namamalayan ng ka-live-in subalit nang pumasok siya sa kanilang silid, dito niya naabutan ang biktima at ang kinakasama.

 

Sa tindi ng galit at panibugho, kinuha ng suspek ang balisong na nakapatong sa kanilang refrigerator at sunod-sunod na inundayan ng saksak si Dejac habang nagtatakbo naman palabas ng bahay ang kanyang kinakasama upang humingi ng saklolo sa mga nagpa-patrulyang mga pulis.

 

I-prisinta ng mga pulis ang suspek sa piskalya ng lungsod ng Malabon para sa kakaharaping kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)