• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Heat inagaw ang No. 8 spot sa playoffs

BUMANAT si Tyler Herro ng 30 points para tulungan ang Miami Heat sa 123-114 overtime win sa Hawks sa Play-In Tournament at kunin ang No. 8 berth sa Eastern Conference first-round playoffs.nnNagdagdag si Davion Mitchell ng 16 markers tampok ang tatlong krusyal na three-point shots sa extra period sa pagharap ng Miami sa No. 1 Cleveland Cavaliers sa first-round playoffs.nn“I know how badly our group wanted to get into this thing,” sabi ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra na nakahugot kay Andrew Wiggins ng 20 points. “I could see it in their eyes and feel it in their heart.”nnAng Miami ang naging unang No. 10 seed na nakasampa sa playoffs simula nang ilunsad ang play-in format noong 2020-21 season.nnSila rin ang unang play-in team na umabante sa first-round playoffs na may dalawang road wins.nnPinamunuan ni Trae Young ang Atlanta sa kanyang 29 points at 11 assists.nnSa Memphis, kumamada si Ja Morant ng 22 points at 9 assists sa 120-106 pagsibak ng Grizzlies sa Dallas Mavericks sa Play-In Tournament papasok sa NBA Playoffs.nnUmiskor si Jaren Jackson Jr. ng 24 points at may 22 markers si Desmond Bane para sa Memphis na tatayong No. 8 seed sa Western Conference katapat ang top-seeded Oklahoma City Thunder sa isang best-of-seven series.nnHangad nilang maging pang-pitong tropa sa NBA history na tumalo sa No. 1 team sa first round bilang No. 8 seed.nnHuli itong nangyari noong 2022-23 season nang gulatin ng No. 8 Miami Heat ang No. 1 Milwaukee Bucks, 4-1.