• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Heartwarming at medyo kontrobersyal: Sen. IMEE, may espesyal na Christmas vlog na dapat matunghayan

ITO na talaga ang pinaka-kahanga-hangang panahon ng taon at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog ni Senator Imee Marcos na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na channel sa YouTube ngayong Disyembre 23.
Libu-libong Imeenatics at netizens ang humuhula kung ano ang nilalaman nito.
Sinasabi ng mga insiders na ang Christmas vlog ay magiging makabagbag-damdamin at medyo kontrobersyal, kung saan ang pinakasentro ng lahat ang signature wit at humor ni Sen. Imee, na nagbibigay sa lahat ng lubos na kaligayahan at magandang pakiramdam.
Sa Bisperas ng Pasko, Disyembre 24, ipagdiwang ang holidays kasama ang Senadora habang ginagawa ang kanyang mga gift-giving rounds sa Quezon, Batangas, at Maynila, kung saan siya nakikipag-bonding sa mga tao, bata man o matanda, habang namamahagi ng mga regalo at goodies.
Samahan si Sen. Imee at humanda sa kanyang soon-to-be trending Christmas vlog at mag-subscribe
(ROHN ROMULO)