• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:17 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Health experts inirekomenda ang 2nd booster shots para sa mga medical workers at mga matatanda

INIREKOMENDA ngayon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang pagbabakuna sa second booster shot para sa mga health care workers na nasa A1 category at at senior citizens na nasa A2 category.

 

 

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, hinihintay na lamang daw sa ngayon ng HTAC ang isa pang requirement mula sa World Health Organization (WHO) para sa naturang pagbabakuna.

 

 

Sinabi ni Cabotaje na ang guidelines para sa second booster para sa A1 at A2 ay nailabas na sana pero mayroon daw pagbabagong ginawa ang WHO sa requirement.

 

 

Agad naman daw mag-iisyu ang mga Health authorities ng guidelines para sa pagbabakuna sa second booster shots para sa A1 at A2 kapag nagbigay na ng go signal ang WHO.

 

 

Kung maalala, nagsagawa na ang pamahalaan ng second booster shot sa mga immunocompromised adults.