• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Harapan ng Lakers at Hornets ipinagpaliban dahil sa wildfire

IPINAGPALIBAN ng NBA ang laban ng Los Angeles Lakers at Charlotte Hornets dahil sa wildfire.
Isinagawa ang desisyon bilang pagsuporta sa mga pamilya na nawalan ng tirahan sa Los Angeles.
Ayon sa NBA, labis silang nalulungkot at nakikipagsimpatiya sa mga naapektuhang residente.
Pinuri rin ng liga ang mga katapangan ng mga bumbero at rescuers na patuloy na inaapula ang nasabing apoy.
Kanilang iaanunsiyo sa mga susunod na araw kung kailang matutuloy ang laro.
Una ng nagkansela ang National Hockey League dahil rin sa nasabing wildfire.