• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Happy sa balik-tambalan sa action-drama series… KYLIE, walang ibang nai-imagine na puwedeng gumanap sa role bukod kay JAK

BALIK-TAMBALAN sina Kylie Padilla at Jak Roberto sa action-drama series na ‘Task Force, Firewall.’

Nagkuwento si Kylie sa bagong project niya na ito ngayong 2026.

“It’s very timely sa panahon natin, since lahat nasa internet na and lahat tayo may cellphones. So, everyone is vulnerable to this kind of crime,” paliwanag niya sa ‘Chika Minute.’

Inilarawan pa niyang exciting ang bago nilang serye na ibang-iba sa naging role nila sa ‘My Father’s Wife.’

Lahad ni Kylie, “Like I usually say, pagkasama ko si Jak [Roberto] you know 50 percent of the work [is] done na kasi maganda ‘yung chemistry namin.

“So, exciting ibang characters si Jak dito, ako rin naman. Pero, ibang-iba ‘yung character niya dun sa ‘My Father’s Wife’, so abangan n’yo din ‘yun.”

Para naman sa Kapuso hottie ang tanging si Kylie lang ang nakikita niya na puwedeng gumanap sa role nito sa ‘Task Force, Firewall.’

Bakit kaya ito nasabi ng Kapuso actor?

“Wala akong nai-imagine na ibang character na gaganap nito, kung hindi siya lang. So, I’m happy to work with her again.

“And I’m excited of course dahil ang maganda sa amin, when it comes na magkakaroon kami ng project nag-aadjust na lang kami through character, e.”

Makakasama rin ng JakLie sa show sina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, at Bubble Gang star na si Buboy Villar.

Bago ang ‘My Father’s Wife’ (2025), nagkasama na rin sina Kylie at Jak sa primetime series na ‘Bolera’ (2022).

***

ENGAGED na ang Filipino designer and ‘Project Runway’ winner na si Veejay Floresca.

Sa isang Facebook post, nag-share si Veejay ng cute photos kasama ang foreigner fiancé and showing off her ring as she announced her engagement to her long-time partner.

“Thinking of a perfect caption, but i can’t think of anything. All I know is im ready to spend the rest of my life with you,” caption ni Veejay.

Si Veejay ang kauna-unahang Filipino designer na magwagi sa 21st season ng Project Runway.

***

NAG-FILE na ng official divorce papers ang Hollywood film and stand-up comedian na si Amy Schumer sa kanyang husband na si Chris Fischer.

Kinasal ang dalawa noonb Feb. 13, 2018 at meron silang isang anak. Naghiwalay ang couple noong Dec. 12, 2025.

Ayon sa Trainwreck star: “Chris and I have made the difficult decision to end our marriage after 7 years. We love each other very much and will continue to focus on raising our son. We would appreciate people respecting our privacy at this time.”

This year, naka-focus si Amy sa “self-care and self-love. And moving forward with no regrets.”