• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Happy na may magandang movie bago matapos ang 2024: RURU, first time mag-MMFF at kasama pa si DENNIS sa ‘Green Bones’

HAPPY si Ruru Madrid dahil bago matapos ang 2024, may nagawa pa siyang magandang pelikula na official entry pa sa 2024 Metro Manila Film Festival na ‘Green Bones.’

 

First time na magkaroon ng MMFF movie si Ruru at kasama pa niya ang iniidolo niyang si Dennis Trillo. Lalo pa raw nai-inspire ang Sparkle actor sa patuloy na pag-improve niya bilang aktor.

 

“Napakasarap sa puso and nakaka-humble and para bang hindi nasasayang lahat ng mga pinaghihirapan at hardwork na ginagawa ko,” sey ni Ruru.

 

Nag-pictorial na rin si Ruru kasama ang cast para sa season 2 ng ‘Lolong’. Nag-training na ulit ang aktor kasama sina Paul Salas at Martin del Rosario gamit ang iba’t ibang armas tulad ng arnis, baston, palakol at punyal.

 

***

 

NASA dugo pala ng Sparkle artist na si Seb Parajillo ang pagiging singer.

 

Halos lahat daw ng mga kamag-anak niya ay musically-inclined at later on lang daw niya na-discover na may talent siya sa pag-awit.

 

Ang uncle ni Seb na si Harry Santos ang nag-encourage sa kanya na i-pursue ang talent niyang ito. Si Harry kasi ay kontesero sa mga singing contests at naging contestant sa Pinoy Pop Superstar ng GMA-7 noong 2005 kunsaan ka-batch niya sina Gerard Santos at Aicelle Santos.

 

“Unang una, very thankful ako sa Sparkle pati sa GMA Playlist for giving me this opportunity na makapag-release ng bagong single ulit after ng first single ko na “Want You” binigyan nila ako ng bagong single ulit titled “Dati Pa”, sey ni Seb na lumabas na sa Kapuso teleserye na ‘The World Between Us’ in 2021.

 

Bukod sa pagiging isang athlete, nagtapos na cum laude si Seb sa Meridian International Business, Arts, and Technology (MINT) College sa kursong Entrepreneurship.

 

 

***

 

SA nilabas na libro ng music icon na si ‘Cher na Cher: The Memoir, Part One’, kinuwento nito ang masalimuot na pagsasama nila noon ng singer-husband na si Sonny Bono.

 

Kinasal sila in 1964 at nag-divorce in 1975.

 

Pag-amin ni Cher na naisip niyang mag-suicide ng ilang beses dahil sa pagiging unfaithful at controlling ni Bono.

 

“There I was, twenty-six years old and in what had become a loveless marriage… He just lost interest. I stepped barefoot onto the balcony of our suite and stared down. I was dizzy with loneliness.

 

I saw how easy it would be to step over the edge and simply disappear. For a few crazy minutes I couldn’t imagine any other option. Until I realized, I don’t have to jump off, I can just leave him.”

 

After divorcing Bono, nagpakasal si Cher sa musician na si Gregg Allman, whom she divorced in 1978 after niyang malaman na gumagamit ito ng heroin.

 

Bono died in a ski accident in 1998, while Allman died from cancer in 2017. Dalawa ang naging anak ni Cher na sina Chaz Bono (55) at Elijah Blue Allman (48).

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)