Handog ng Philhealth… PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng bagong benepisyo para sa post-kidney transplant
- Published on June 20, 2025
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Huwebes ang paglulunsad ng bagong benepisyo ng PhilHealth para sa post-kidney transplantation services.
Sa katunayan, binisita ni Pangulong Marcos ang mga pasyente sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Diliman, Quezon City, kung saan ay binati niya ang mga pasyente sa Hemodialysis Center at Hemodialysis Center Extension.
Muli namang pinagtibay ng PhilHealth ang suporta nito para sa NKTI patients sa pamamagitan ng pagpapahusay sa benepisyo para sa mga miyembro na na-diagnosed na may chronic kidney disease (CKD) stage 5.
Ang Chronic kidney disease ay itinuturing na isang ‘pressing global health issue’ na may 9.1% hanggang 13.4% na umiiral sa populasyon sa buong mundo.
Sinabi ng NKTI na ang isang Pinoy na naka-develop ng chronic kidney failure kada oras, ay may katumbas na 120 bagong kaso kada milyong populasyon taun-taon. (Daris Jose)