• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:00 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 39K katao apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Mayon

AABOT sa halos 39,000 katao ang apektado ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon.

 

 

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 20,000 residente ang kasalukuyang nasa 28 evacuation centers sa Albay simula pa nang magpakita ng paggalaw ang Mayon.

 

 

Nasa anim na lungsod at bayan ang nagdeklara ng suspensiyon ng kanilang mga klase.

 

 

Nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente na umaabot  sa P62 milyon.

 

 

Una na ring sinabi ng Phivolcs na tatagal pa ng ilang buwan ang pag-aalboroto ng Mayon na ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 3.