• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:18 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Half-Pinoy Jason Kubler kasama ang pakner, KAMPEON!

TAAS-NOO na naman ang mga Pinoy matapos magkampeon sina Filipino-Australian Jason Kubler at partner Rinky Hijikata sa men’s doubles ng Australian Open na nilaro sa Melbourne nitong Sabado.

 

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, may maipagmamalaki na naman ang mga Pilipino sa panalo ni Kubler.

 

“It’s something that we Filipinos—and the POC—should be proud of and cherish,” patungkol ni Tolentino kay 29-year-old Kubler.

 

Si Kubler ay anak ng Philippine-born mother habang Australian ang kanyang ama.

 

“We know that a part of him is Filipino and Jason showed that to the world,” ani Tolentino. “We’re really proud of him for winning a grand slam title not only for Australians but also for his fellow Filipinos.”

 

Dala ang bandila ng Australia, tinalo nina Kubler at Hijikata sina Hugo Nys at Jan Zielinski, 6-4, 7-6 (4), sa final sa Rod Laver Arena.

 

Unang Grand Slam title nina Hijikata at Kubler, unang beses din silang nagkampihan. (CARD)