• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Habang namimigay ng jacket sa motorcade: Pagsusungit ni WILLIE, pinagpiyestahan sa social media

PINAGPIYESTAHAN sa social media ang tila pagsusungit ni senatorial candidate Willie Revillame sa ginanap na motorcade nito kamakailan.
Ibinahagi ng netizen sa reels na namimigay ng jacket si Willie kaya maraming sumusunod sa sinasakyan niya at nanghihingi.
Pero imbes daw na bigyan niya ay tila pinagsabihan niya ang mga ito at kitang-kita rin sa video ang expression ng mukha ng TV host na nakasimangot imbes na nakangiti.
Ang caption ng netizen na nagbahagi ng video ay, “HB (highblood) si Koya Will mukang hindi niya gusto ginagawa niya.”
Ang ang sumunod na ginawa ni Willie ay tila ibinato niya ang jacket sa tao.
Sabi pa ng netizen, “pag hindi bukal sa loob mo ang pagtulong kita ‘yan sa kilos at gawa mo, last resort mo na kaso ang politika para makabawi ka sa lugi mo.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 19,300 likes, 5,900 comments at 9,600 shares and still counting.
Ang content creator na si Ogie Diaz sa nagre-post ng video sa kanyang Facebook account at sabay payo kay Willie kahit hindi niya pinangalanan.
Ayon sa caption ni Ogie, “Dapat aware ang kandidato sa kanyang behavior pag nangangampanya, lalo na’t ang daming nakatutok na camera sa ‘yo.
“Hindi dapat pinapairal ang init ng ulo. Alam naman nating mainit na ang panahon, kaya pasensiya ang dapat pahabain.
“Paano tayo iboboto n’yan kung nakakalimutan nating ngumiti man lang kahit hindi na magbigay ng jacket?
“Hindi naman porke laging nagagalit sa harap ng kamera o pinapagalitan ang mga staff o co-hosts on air eh tatanggapin din ng mga tao ‘yung ganu’n ding pag-uugali sa panahon ng kampanya.
“Lagi nating iisipin na nanliligaw tayo ng botante para iboto tayo at ipanalo. Pass na muna sa, “Eh sa ganito ugali ko, eh. Nagpapakatotoo lang ako.
“Jacket lang ang ipinamimigay, hindi naman titulo ng house and lot. So hindi dapat ganyan ang attitude.” 
Pero mukhang dedma naman ang mga nanghihingi ng jacket kung mainit ang ulo niya dahil isinisigaw pa rin ang pangalan niya.
(REGGEE BONOAN)