MAGSISIMULA na ang kilig at galing ng mga mananayaw sa “Time To Dance,” ang newest dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios sa pangunguna nina Gela Atayde at Robi Domingo, na ipalalabas ngayong gabi (Enero 18) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Sa naganap mediacon noong Huwebes (Enero 16), ikinwento ng New Gen Dance Champ na si Gela ang dahilan kung paano nabuo ang “Time To Dance.”
“This is really a passion project of mine,” panimula niya.
“It was really pitch to me na magka-dance show, na dream ko rin naman. Pero idea po talaga ito ng Star Magic and Direk Lauren (Laurenti Dyogi), it was really him who believed in me in the first place.
“And of course, with the help of my mom (Sylvia Sanchez), who conceptualized all of these. It was really a collaboration of different productions.
“But aside from that, my mom always say na, dahil nakita nila ang puso ko and for passion for dance. Not just dance itself but for the community.
“This is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens. ‘Yung mga kulang, yung mga sobra.
“Here in ‘Time To Dance,’ I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire.
“I have teammates kasi na that weren’t really financially stable enough to fly with us also to compete. So, that was the realization that like hit me na I will be able to help, because I’m privilege enough too and I’m very thankful I am and given this opportunity.
“Nabuo ang “Time To Dance” because of the heart and passion na nakita nila sa akin Nina Direk Lauren and my mom,” pahayag pa ni Gela.
Ibinahagi ni Gela ang inclusivity sa show dahil tampok dito ang mga dancer na may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad. Naikwento niya rin na makakasama sa show ang celebrity performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto at sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.
Samantala, puring-puri ni Robi ang hosting skills ni Gela, na isang first-time host.
“Kitang-kita kay Gela yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin yun sa kanya,” komento ni Robi.
Binigyang-diin rin ng direktor ng World of Dance Philippines na si Vimi Rivera, na bahagi ng dance council sa show, ang layunin ng “Time To Dance” na maipakita ang talento ng local dance community ng bansa. Sinabi niya rin na ang show ay “more than just a competition.”
Say naman ng American dancer/TikTokerist na si Ken San Jose, na 3rd placer ‘World of Dance Philippines’, “grabe, I fell sobrang honored, galing ako sa survival show na ‘World of Dance’, pero contestant pa ako, ngayon naging judge na ako.
“Sobrang honored ako especially being with Coach Vimi and Gela, such high level and incredible people in dance.
“Of course si Kuya Robi, he taught me everything I know. It’s really nice that I get to be a part of this and put my inputs and share to the contestants. And to see and be a part of their journey through out the show, as well.”
Sa pilot episode ng show, ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community. Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats.
Sino kaya ang magpapakita ng gigil at galing at magiging kauna-unahang grand winner ng “Time To Dance”? Abangan sa pinakabagong dance survival reality show tuwing Sabado, 8:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at TFC.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom
***
UPANG mas maproteksyunan pa ang mga datos na kasalukuyang hawak ng Ahensya, opisyal na inilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, ang Data Privacy Management Program nito kasunod ng pagsasagawa ng unang data privacy training para sa mga Board Member at empleyado ng MTRCB.
Parte ito ng inisyatiba ng MTRCB na matiyak ang seguridad ng mga sensitibong impormasyon bilang pagtalima sa Data Privacy Act of 2012.
Layon ng programa na matukoy ang lahat ng personal na datos na kinokolekta, pinoproseso, at itinago ng Ahensya, pati na rin ang pagbuo at pagpapatupad ng polisiya para masiguro na epektibong napapamahalaan ng MTRCB ang lahat ng datos at maiwasan ang anumang insidente at pagkakompromiso sa mga ito.
Binigyang diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang dedikasyon ng Board na mapangalagaan ang lahat ng datos na kapit ng ahensya.
“Bukod po sa mandato ng MTRCB na maproteksyunan ang pamilyang Pilipino partikular ang kabataan sa pamamagitan ng responsableng panonood, atin din tinitiyak ang seguridad at integridad ng mga impormasyon na ating ginagamit sa operasyon, partikular ang mga sensitibong impormasyon,” sabi ni Sotto-Antonio sa kanyang mensahe.
Kinilala rin nito ang mahalagang parte ng data privacy sa makabagong panahon.
“Sa ilalim ng programang ito, ating matitiyak na tayo ay sumusunod sa nakasaad sa Data Privacy Act of 2012. Makakabuo tayo ng mga hakbang para matugunan ang mga hamon pagdating sa regulasyon at pamamahala ng mga datos ng epektibo.”
Ang naging pagsasanay naman para sa mga empleyado at Board Member ay naging daan para magkaroon ng praktikal na kaalaman ang mga ito upang masiguro na nakalinya sa umiiral na polisiya at regulasyon ang bawat proseso ng ahensya sa pagprotekta ng mga sensitibong datos.
Patuloy naman ang pagtitiyak ng MTRCB na bukod sa mandato nitong pagprotekta sa mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa responsableng panonood, sinisikap din ng Board na matiyak ang seguridad ng lahat ng impormasyon na sumasalamin sa dedikasyon ng Ahensya sa mataas na antas ng serbisyo publiko.
(ROHN ROMULO)