Gustong maging action star tulad ng amang si Jeric… SEAN, apektado rin sa matinding pambabatikos sa kapatid na si AJ
- Published on January 14, 2026
- by @peoplesbalita
YOUNGER brother ni AJ Raval si Sean Raval na talent ngayon ng BORRAT o Borracho Artists and Talents na kapwa pag-aari ni Atty. Ferdinand Topacio.
Labingwalo silang magkakapatid sa ama nilang si Jeric Raval at sa dami nila, hindi alam ni Sean kung pang-ilan siya.
Hindi lingid kay Sean ang pambabatikos sa ate niya na ang dahilan ay ang hindi agad pagbubunyag na may tatlo na silang anak ni Aljur Abrenica.
At bilang kapatid, apektado si Sean kapag naba-bash si AJ.
“Siyempre bilang kapatid po. nasasaktan. Pero you know, showbiz po, hindi naman po mawawala ang pagba-bash.
“And kahit hindi naman po sa showbiz, may marami pong basher.”
Tinanong namin si Sean kung binibigyan niya ng advise ang ate niya.
“Hindi ko naman po ina-advise-an kasi I’m super proud na bilang kapatid po ni AJ na, ano po, she’s really tough, she’s really strong.
“And siyempre, she could handle all the issues herself. And so wala naman po akong advise na maibibigay sa kanya.”
May mensahe ba siya para sa mga bashers ng ate niya?
“Maibibigay ko po sa bashers ng ate ko, move on.
“And number two, don’t be judgmental without knowing yung full story po ng tao.”
Nasa music video si Sean ng pelikulang ‘Spring In Prague’ ng Borracho Films.
Ang pelikulang ay pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at ng Czech actress na si Sara Sandeva ay magkakaroon ng special screening sa Lunes, January 19, sa Gateway Cinema 12, Cubao, Quezon City.
Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa February 4, 2026, sa direksyon ni Lester Dimaranan.
Kamukha si Sean ng ama niyang si Jeric.
“Ah, I get that a lot po.
“Ah, siyempre masaya po ako.
“Pero siyempre, gusto ko rin pong sumikat bilang si Sean Raval, hindi po dahil kamukha daw po ako ng tatay ko.
“Siyempre may mga ganun pong comment pang ba-bash sa akin. Opo, ‘Kamukha nga ni Jeric, ang tanong, ganyan po ba?’ Ganyan, ganyan.
“So, marami pong comparison. So, para sa akin lang po bilang actor, returning actor din po, is a, I want to do my best and gusto ko pong makilala in my own image.”
Napanood na rati si Sean sa Kapamilya series na ‘Since I Found You’ na pinagbidahan nina Piolo Pascual, JC de Vera, at Arci Muñoz.
Gusto ni Sean na maging action star tulad ng ama niya.
“Action star po kasi I want to be an action star.
“Hindi po dahil action star yung father ko. I want to be an action star kasi yun po talagang passion ko.”
(ROMMEL GONZALES)