Guce tumapos na ika-25 sa Michigan, P98K sinubi
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSALPAK ng even-par 72 sa likod ng four birdies at two bogeys at one double bogey si Clarissmon ‘Clariss’ Guce para sa three-day aggregate six-under par 210 upang humalo sa triple-tie sa 25th place na mayroong $2,049 (P98K) sa kawawakas na 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass Golf Club sa Harris, Michigan, USA.
Pinakamasaagwang yugto ito iyon ng 31-anyos na US-based Pinay shotmaker upang mabaon ng 11 palo sa nagkampeong si Morgne Metraux ng Switzerland na mayroong 67-199 upang kubrahin ang $30K (P1.4M) sa 54-hole stroke play.
Umalpas lang ng one stroke ang Swiss golfer sa Canadian na si Maudee-Aimee Leblanc na naka-71-200 at nabiyayaan ng $18,784. Umupo naman sa tersera ang Norwegian na si Celine Borge nan aka-65-203 na may kasamang $13,674. (REC)