• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guce ika-52, binulsa P53K

SINARA ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa one-over par 72 pa-three-over par 216 at mapabilang sa apat na nagtabla sa ika-52 posisyon na mayroong $1,067 (P53K) bawat isa pagrolyo ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M)  4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana nitong Sabado (Linggong oras sa ‘Pinas).

 

 

Namayagpag sa torneo si home bet Casey Danielson na may closing 68-203 para sa one-stroke win sa kababayang si Beth Wu (68-204) at dalihin ang $37,500 top puse. Pumangatlo ang isa pang Amerikana na si Rachel Rohana (71-205).

 

 

Sunod na sasabakan ng US-based Pinay na si Guce ang ika-12 yugto ng ST na $175K 6th Danielle Downey Classic sa darating na Hulyo 15-18 sa Rochester, New York. (REC)