GSIS, nag-alok ng emergency loan sa lima pang lugar na apektado ng Mindoro oil spill
- Published on April 26, 2023
- by @peoplesbalita
MAAARI ng mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakatira sa lima pang lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ang mga lugar ay ang Calapan City at mga munisipalidad ng Baco, San Teodoro, Soccoro, at Victoria.
Sinabi ng GSIS na naglaan ito ng ₱193.92 milyong piso sa emergency loan para sa 7,700 active members at old-age at disability pensioners.
Ang mga aplikante ay maaaring magpalista hanggang Mayo 17 na may kaparehong requirements at kondisyon katulad ng nagdaang anunsyo ng GSIS.
Noong Marso 8, naglaan ang GSIS ng ₱315 milyong piso para sa emergency loan para sa mahigit na 11,000 active members at 1,900 pensioners na apektado ng oil spill sa Mindoro. (Daris Jose)