Grupo nina Dingdong, dinaan sa pagtakbo ang protesta: VICE GANDA, hinamon si PBBM na ipakulong ang lahat ng magnanakaw
- Published on September 23, 2025
- by @peoplesbalita

Matapang ngang hinamon ni Vice si PBBM na ipakulong ang lahat ng magnanakaw sa gobyerno.
Pahayag ng TV host-comedian, babantayan ng taumbayan ang magiging aksyon ng gobyerno tungko sa malawakang nakawan at korapsyon sa gobyerno.
”Kaya hinahamon ka namin Pangulong Bongbong Marcos, kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo ang lahat ng magnanakaw.
“Nakatingin kami sa yo, Pangulong Bongbong Marcos at inaasahan ka namin, hindi dahil sa idol ka namin kundi dahil sinuswelduhan ka namin at inaasahan namin na tutuparin mo ang inuutos naming mga employer mo.
“Kami ang nagpapasahod sa inyo, tapos na ang panahong natatakot tayo sa gobyerno,” matapang na pahayag ni Vice.
Pagdidiin pa niya, “Takutin natin ang gobyerno dahil ang kapangyarihan ay nasasa-atin at wala sa kanila.
“Nakatingin kami sa inyo, ipakulong lahat, lahat ipakulong. Bawiin ang ari-arian! Pati atay, i-donate, pati mata i-donate, walang ititira.
“Kasi nga hindi tayo pwedeng maawa dahil mga put*ng i*a nila! Maraming salamat sa inyong lahat!”
Samantala, kasamang nagmartsa ni Vice Ganda si Anne Curtis para nga makiisa sa ’Trillion Peso March.”
Nasilayan din sa mass rally ang partner ni Vice na si Ion Perez, ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis. Nagbigay din ang suporta sina Donny Pangilinan, Darren Espanto at Jackie Gonzaga, kasama ang mga miyembro ng Angat Bayanihan Volunteer Network para sa #TrillionPesoMarch.
Marami pang celebrities ang namataan na nakiisa sa kilos-protesta tulad nina Rhian Ramos, Iza Calzado, David Licauco, Dustin Yu, at marami pang iba.
***
SA anti-corruption running event na ginanap sa Ayala, Makati naman ipinakita ng ilang celebrities ang pagprotesta laban sa matinding korapsyon sa bansa.
Spotted na nakiisa sa pagtakbo si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, kasama sina Kuya Kim Atienza, Benjamin Alves, at ang couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina.
Post ni Dong sa kanyang Facebook account…
“Not our usual Sunday run.
“Today, our small community gathered not just for distance, but with prayer and intention.
“We hoped. We dreamed. For a corrupt-free Philippines. For accountability from those who have stolen from us. And for those attending the big rallies, we lifted them up in prayer as well.
“We each have different ways of expressing our grievances and hopes. Today, this was ours.”
Kapansin-pansin naman ang nakalagay na tagline sa kanilang t-shirts, kabilang na ang “End corruption now!”, “Panagutin, Pagbayarin”, “One Big Fight Against Corruption at “I dream of a corrupt-free Philippines.”
Caption naman ni Kuya Kim sa FB post, “Mabuhay ang Pilipinas! Nakikiisa sa bansa para sa pagbabagong totoo.”
(ROHN ROMULO)