• April 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Government-private sector partnership para tulungan ang PWDs, seniors na makahanap ng trabaho

ISINUSULONG ng isang mambabatas ang pagkakaroon ng public offices  sa local government level na makikipag-partner sa private sector para tulungan ang mga persons with disabilities (PWDs) at senior citizens sa paghahanap ng trabaho.

Ang panukala ay ginawa ni Parañaque Representative Brian Raymund Yamsuan upang matulungan ang mga employable PWDs at senior citizens na nahihirapang maghanap ng trabaho dahil sa diskriminasyon, kakulangan ng training at impormasyon sa mga job opportunities na available sa kanila.

“Disabled persons and seniors who are fit to work can become productive members of our economy  if given the chance. However, many PWDs and  elderly citizens remain poor because they find it difficult to get hired for jobs that suit them,” ani Yamsuan.

Sinabi pa nito na sayang ang kanilang  galing, dedikasyon at sipag na madadala sa kanilang trabaho kung  sila ay mananatiling jobless.

Sa halip aniya na kaawaan o hindi bigyang pansin, dapat ay kinikilala ang kanilang mga kakayahang makapag-ambag sa paglago ng ating ekonomiya.

Idinagdag nito na muli niyang ihahain ang panukala na magmamandato sa Department of Labor and Employment (DOLE)  na mag set up, mag-operate at magmentena ng facilitation offices para sa PWDs at seniors, na tatawaging Local Centers for Inclusive Employment (LCIEs).

Ang LCIEs ay itatayo sa kahilingan ng LGUs sa capital towns, key cities at iba pang strategic areas.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na tanging 353,000 PWDs  ang nakakuha ng trabaho sa 1.9 million na kaya pang magtrabaho noong 2022.

Habang nasa 38.2% o 965,200  ng 2.54 million qualified senior citizens ang may trabaho. (Vina de Guzman)