• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GOITIA, NILINAW ANG ISYUNG P1.7 TRILYONG “MARKET WIPEOUT”

PINABULAANAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang kumalat na maling balita na umano’y ₱1.7 trilyon ang nawala sa Philippine Stock Market dahil sa isyu ng korapsyon.

Ayon kay Goitia, ito ay hindi inosenteng pagkakamali at sinadyang panlilinlang na sumisira sa tiwala ng mga mamumuhunan at nagpapahina sa moral ng sambayanang Pilipino.”

Pinuri ni Goitia si Special Assistant to the Presidente Frederick Go sa mabilis nitong tugon kung saan sinabing P185 bilyon lamang at hindi P1.7 trilyon ang pagbaba at tinawag itong fake news.

Humingi na rin ng paumanhin si SEC Chair Francis Lim matapos ulitin ang maling datos at inamin na ang pinagkunan niyang ulat ay peke.

“Ayon mismo sa Philippine Stock Exchange, ang totoong pagbaba ay nasa ₱185 bilyon lamang, hindi ₱1.7 trilyon,” ani Goitia. “Napakalaki ng diperensiya, at malinaw itong patunay na pangingilabot ang ipinalit sa tamang beripikasyon.”

Nagbabala si Goitia na ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa ekonomiya ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang panganib sa bansa.

Ayon kay Goitia, matagal nang pinagbubuti ng administrasyong Marcos ang pagpapanumbalik ng katatagan at ang pag-akit ng mga mamumuhunan dahil ang ganitong uri ng paninira ay nakaaantala sa progreso.

Binigyang halimbawa niya ang mga bilyong pisong pamumuhunan at mga proyektong isinusulong sa ilalim ng CREATE More Act bilang patunay na nananatiling matatag ang interes ng mga mamumuhunan.

Ayon kay Goitia, dapat maging paalala sa lahat ang pangyayaring ito, lalo na sa mga nasa posisyon ng kapangyarihan, na ang bawat salita ay may bigat at epekto sa mamamayan.

Hinikayat niya ang publiko na magtiwala lamang sa mga tamang pinagmumulan ng impormasyon tulad ng PSE, Department of Finance, at iba pang ahensyang may kredibilidad.

Nanawagan si Goitia para sa pagkakaisa at pagiging mapagbantay at hinimok din niya ang publiko na manindigan kasama ang pamahalaang kumikilos nang may katapatan, kapanatagan, at pananagutan. (Gene Adsuara)