Gobyerno, pinag-iisipang mabuti ang aksyon sa gulong kinasasangkutan ng PrimeWater
- Published on July 10, 2025
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) bilang tugon sa tambak na reklamo laban sa water service interruptions na kinasasangkutan ng private water utility firm na PrimeWater Infrastructure Corporation.“Ang Pangulo po ay inaaral na ang report mula sa LWUA, siya po mismo ang nag-aral dito. Ang rekomendasyon po sa kanya ay kanya namang inayunan,” ang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Gayunman, hindi naman dinetalye ni Sastro ang nasabing rekumendasyon, Idagdag pa niya na kailangan munang kumilos ang gobyerno hinggil sa reklamo sa serbisyo ng PrimeWater.
“Ang rekomendasyon po ay saka na namin ibabahagi sa inyo, kailangan po muna nating umaksyon. Hindi pa po ito ang tamang panahon para i-reveal kung ano po ang dapat gawin ng pamahalaan para sa mga biktima ng kakulangan ng suplay ng tubig,” anito pa rin.
Sa ulat, may ilang lokal na pamahalaan at consumers ang nagpalutang sa isyu ng nakadidismayang serbisyo ng PrimeWater sa mga nakalipas na buwan, dahilan para pumasok na ang national government sa usaping ito.
Ang PrimeWater, nago-operate sa ilalim ng joint venture agreements (JVAs) kasama an ilang local water districts, ay bahagi ng business group ng pamilya Villar.
Ayon sa LWUA, kinokonsidera ng gobyerno ang terminasyon ng PrimeWater ng JVA at local water districts sa buong bansa.
Sinasabi pa na tumaas ang PrimeWater’s deals sa bong 2019 nang si Senator Mark Villar ang pinuno ng Department of Public Works and Highways (DPWH), dating supervising agency ng LWUA, sa panahon ng nakalipas na administrasyon. ( Daris Jose)