Gobyerno, pinag-aaralang mabuti kung paano imo-motivate ang LGUs para tugunan ang malnutrisyon
- Published on March 31, 2023
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALANG mabuti ng national government kung paano bibigyan ng insentibo ang local government units (LGUs) sa laban nito sa malnutrisyon.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang paglulunsad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP), isang collaborative effort sa pagitan ng Philippine government at World Bank na naglalayong paghusayin ang nutritional status ng mga Filipino.
Ani Pangulong Marcos, layon ng PMNP na makapagbigay ng pangunahing health care support at nutrition services, access sa malinis na tubig at sanitasyon, technical information, pagsasanay at financing sa kailangang interbensyon ng LGUs para tugunan ang malnutrisyon.
“The program will also incentivize the participating LGUs. We were just having a very quick discussion about how that should be-how we can achieve that,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“We see very clearly the problems that arise at the ground level,” aniya pa rin.
Binatikos naman ng Punong Ehekutibo kung bakit hindi naging prayoridad ang health care sa local na antas, tinuran ang kakulangan ng kakayahan at abilidad, at maging kasanayan at manpower.
” So we have found a way to bring the LGUs in. Because it is without their partnership, we do not get to what is often referred to as the last mile. That is always the problem when you try to translate a program from the national level, a program of the national government, all the way down to the local government, down to the barangay level,” ang winika ng Pangulo.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Pangulo ang Department of Health (DoH) na makipagsanib-puwersa sa ibang ahensiya ng pamahalaan ” in harmonizing and implementing sound diet and nutritional policies and practices.”
Nanawagan naman ang Pangulo ng “employment of best efforts” upang matiyak ang “well orchestrated coordinated strategy ” para ipatupad ang nutritional programs sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Daris Jose)