• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, may nakahandang pondo para sa pagtugon sa ‘Nando’ -DBM

MAY SAPAT na pondo ang gobyerno para tugunan ang mga maaapektuhang komunidad ng Super Typhoon “Nando” (international name: Ragasa).
Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang suporta para sa mga Filipino na apektado ng Super Typhoon Nando, at maging ang mga frontline agencies na nagtatrabaho para masiguro na sila’y agad na natutulungan.
“Rest assured that on the part of the DBM, may nakahanda po tayong pondo para rito,” ang sinabi pa ng Kalihim.
‘As of Sept. 22,’ sinabi ni Pangandaman na ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ay mayroong P8.633 billion, nakalaan para sa ‘aid, relief, rehabilitasyon, at pagkukumpuni ng permanent structures sa calamity-hit areas.’
Ang mga frontline agency ay kinabibilangan ng Departments of Public Works and Highway, Education, Social Welfare and Development, Agriculture, at National Defense-Office of Civil Defense, maaaring gamitin ang kanilang Quick Response Funds (QRFs) para sa agarang disaster operations.
Hindi kagaya sa NDRRMF, ang QRFs ay maaaring gamitin kahit walang NDRRMC recommendation o presidential approval, at ang replenishment o muling pagdadagdag ay maaaring i-request ng isang beses ng 50% ng nagamit.
“Hindi po dapat mag-alala ang ating mga kababayan. May sapat po tayong pondo at sisiguraduhin ng DBM na mabilis ang pagproseso, basta’t kumpleto at maayos ang dokumento,” ayon kay Pangandaman.
Samantala, nanawagan naman si Pangandaman sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na tiyakin na ang pondo ay kaagad na makaaabot sa talagang benepisaryo. ( Daris Jose)