Gobyerno, hindi gumastos ng public funds sa fashion show sa Malakanyang
- Published on August 15, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG ‘public funds’ na ginamit sa fashion show sa Malakanyang.
Umani kasi ng kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa netizens ang fashion show ng designer na si Michael Leyva na ginanap sa Goldenberg Mansion sa Malacañang complex, dahil sa sinasabing tila pinag-aksayahan ng pera ang nasabing fashion show.
“The government does not spend anything on the event because it is paid for by the designers and private institutions they partner with,” ayon kay Deputy Social Secretary Dina Arroyo Tantoco.
Ani Tantoco, ang serye ay naglalayong lumikha ng plataporma para sa mga malikhaing filipino.
‘The output is a collaboration between various creatives in the industry and creates awareness (thereby generating demand) for local fabrics and designs which have always been instrumental in our cultural identity,” ang wika ni Tantoco.
Samantala, kasama sa kilalang panauhin na dumalo sa fashion show ay si Unang GInang Liza Araneta-Marcos. Ang iba pang bisita ay kinabibilangan nina senador Nancy Binay, Robin Padilla, Sherwin Gatchalian, Francis Escudero at Joel Villanueva.
Itinalaga naman ng Palasyo ng Malakanyang ang Goldenberg Mansion bilang events venue noong Mayo, kung saan ang iba pang mansiyon sa Malakanyang ay ginawa namang museums. (Daris Jose)