• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Global Health Expert nanawagan ng harm reduction sa pagkontrol sa tabako

NAGKAISA ang mga international na eksperto at bawat delegado ng bansa  sa panawagan sa World Health Organization- Framework Convention  on Tobacco Control (WHO-FCTC) na isama ang harm reduction sa pagkontrol ng tabako.
,
Sa isinagawang press briefing ay naglatag ng mga alternatibong paraan para mabawasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo  ang Consumers Choice Center na dinaluhan ng mga doktor, mananaliksik at consumer advocates mula sa iba’t ibang bansa, tinalakay nila ang mga mahahalagang aspeto ng WHO -FCTC.
Ayon kay Fred Roeder, Health Economist at Pangulo ng Consumer Choice Center na maraming bansa na nakakakita ng iba’t ibang resulta na nakatuon sa harm reduction kaya kinakailangan umano ang isang tapat na pag-uusap kung ano ang gumagana  at ano ang hindi sa pandaigdigang pagkontrol sa tabako.
Nagprisinta naman  si Christopher Cabuay, PhD, Associate Professor of Economics sa De La Salle University, ng datos na nagpapakita ng bigat ng gastusing dulot ng mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa economic modeling ni Cabuay, may malaking potensyal na makatipid ang Pilipinas kung 10 porsiyento ng adult population na naninigarilyo ay sasailalim sa mga pagkilos na nakakabawas sa panganib ng tabako at lilipat sa harm reduction approaches.
Sinabi naman ni Anton Israel ng Nicotne Consumers Union Philippines na mahalaga ang  pananaw ng mga konsumer at pagkakaugnay sa pagitan ng pagbuo ng  polisya .
Nakakaapekto naman sa ekonomiya ng rehiyon ang mga restriktibong polisiya para naman kay  Nancy Loucas ng CAPHRA New Zealand habang sinabi naman ni  Dr. Rohan Savio Sequeira, ng India na kung  ipatutupad ang mga polisiya sa tobacco harm reduction, maaaring mailigtas ang 35–40 milyong buhay sa loob ng 30 taon sa India pa lang — na kumakatawan sa napakalaking potensyal na halaga sa ekonomiya mula sa napreserbang human capital.
Ipinakita naman ni Michael Landl mula sa World Vapers’ Alliance kung paano lumilikha ang risk-based taxation economic incentives para sa pagbabago ng gawi habang napapanatili ang kita ng pamahalaan.
Dagdag pa nito na sa Sweden, ang pagbubuwis batay sa antas ng panganib ng produkto ay nagbunga ng pagbaba ng smoking rates sa mas mababa sa 6%, habang nananatiling kapantay ng ibang bansa Europa ang kabuuang pagkonsumo ng nikotina. (Gene Adsuara)