Gilas Pilipinas Women, sumabak na sa 2025 FIBA Asia Cup sa China
- Published on July 14, 2025
- by @peoplesbalita
SUMABAK na ang Gilas Pilipinas Women’s Basketball Team sa 2025 FIBA Asia Cup na ginaganap mula Hulyo 13 hanggang 20 sa Shenzhen, China.
Walong bansa ang naitalang kalahok sa palaro, kung saan ang kampeon ay awtomatikong makakakuha ng puwesto sa 2026 FIBA Women’s World Cup, habang ang ikalawa hanggang ikaanim na puwesto ay papasok sa World Cup Qualifying Tournaments.
Nasa Group B ang Pilipinas kasama ang matitinding kalaban na bansang Australia, Japan, at Lebanon.