• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:19 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas, pinataob ng New Zealand sa pagtatapos ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers

BUMAWI ang New Zealand laban sa Gilas Pilipinas matapos magpakita ng napakagandang laro at tinalo ang Pilipinas sa 87-70, kaya’t pasok na ang team sa Group B para sa pagtatapos ng kanilang laban sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers nitong Linggo na ginanap sa Spark Arena, New Zealand.

Maaalalang nakapagtala ang Tall Blacks nang kanilang kauna-unahang pagkatalo laban sa Pilipinas sa FIBA noong Nobyembre 2024, sumablit pursigido ito mula sa umpisa at hindi na nagpatalo pa at nakakuha ng 5-1 na record.

Sa kabilang banda, nagtapos ang Gilas Pilipinas ng magkasunod na pagkatalo, 4-2, ngunit tiyak na makakapasok sa tournament proper sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Umarangkada ang New Zealand, kung saan sumaluksok ang mga malalayong tira nina Toho Smith-Milner at Jordan Ngatai, na nakapag ambag ng anim na three-pointers sa unang kwarter pa lang ng laro. Sa pagtatapos ng unang quarter, lamang na ang Tall Blacks, 30-15.

Hindi naman nagpabangko ang Gilas na pinangunahan nina Calvin Oftana at Carl Tamayo, na nagpaiksi ng lamang sa sa kalaban ng walong puntos, 37-29. Subalit, mabilis na nakabawi ang New Zealand sa pamamagitan ng isang 16-4 run, at nagtapos ang unang quarter na may malaking lamang, 53-33, matapos makapagtala ng tatlong sunod na three-pointers ang Tall Blacks.

Bagamat sinikap ng Gilas na makaambag sa second quarter, hindi nila nakayanang habulin pa ang malupit na opensa ng New Zealand.