• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:41 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gentoleo, Navarro matitibay ang tuhod

TINANGHAL na mga tigasin sina Joseph Gentoleo at Cherryl Navarro ng kapwa Team Amihan na hari’t reyna sa katatapos na Manila-Bataan 102-Mile Endurance Run 2020 na nilargahan sa Zero Kilometer Post ng Luneta Park sa Maynila at humimpil sa Zero Kilometer Death March Marker sa Mariveles, Bataan.

 

Ang race cut-off time ay 36 na oras, pero binagtas ng tubong Iloilo na residente ng Parañaque na si Gentoleo, 35, ang makasabog-baga’t makabali-tuhod na karerahan sa loob ng 27 oras at 57 minuto para sa men’s division title. Lumanding na pangalawa sa kawani ng Leslie Corporation sina Ildebrando Yap (30:19) at Gerrit James Galvez (30:20).

 

Sa women’s side sa event na pinakawalan sa ganap na alas-10:00 nang gabi noong Biyernes, Pebrero 6 at natapos nitong alas-10:00 nang umaga ng Linggo, Marso 8, ang may katulad oras ni Gentoleo na si Navarro, 40, ng Bataan ang nagwagi.

 

Mga dumaan sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga, sorpresa ang panalo ni Navarro dahil sa unang 100 milya pa lang niya karipasang ito.

 

Sumegunda at tumersera sa kanya sina Maica Santiago (30:10) at Irene Buyuccan (32:40). Ito’y inorganisa ng Endurance Challenge Philippines kung saan ang race director ay si Jonjon Alegre.

 

Nasa 24 na ultramarathoner ang tumugon sa starting gun at 20 ang finishers. Apat ang mga hindi pinalad na tapusin ang arangkadahan.