Gamitin ang pagkakataon na paglinayan ang kahulugan ng Mahal na Araw – Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III
- Published on April 1, 2026
- by @peoplesbalita
SA PAGSISIMULA ng Semana Santa, inanyayahan ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga kababayan na gamitin ang pagkakataon na paglinayan ang kahulugan ng Mahal na Araw.
“Sa pagdating ng Mahal na Araw, inaanyayahan ko ang bawat Pilipino na sandaling huminto at pagnilayan ang kahulugan ng mga araw na ito. Holy Week reminds us of sacrifice, forgiveness, and hope—mga aral na patuloy na gumagabay sa atin bilang mga tao at bilang isang bansa,” pahayag ni Dy.
Aniya, ang Mahal na Araw ay pagkakataon upang ipahiwatig ang mas malalim na pananampalataya sa Diyos at mas matibay na pagmamahal sa pamilya, at mas matinding malasakit sa kapwa.
At sa gitna na matinding kahirapan at hamon sa buhay, sinabi ni Dy na ang Mahal na Araw ay pagpapaalala rin na sa bawat kadiliman ay kasunod ang bukang liwayway ng liwanag, at ang pagasa ay laging may puwang sa puso ng bawat Pilipino.
“Nawa’y maging pagkakataon ito para sa mas malalim na pananampalataya, mas matibay na pagmamahal sa pamilya, at mas matinding malasakit sa kapwa. Isang mapayapa at mapagpalang Mahal na Araw sa inyong lahat. God bless you, and God bless the Philippines,” pahayag ni Dy.
(Vina de Guzman)